mylife_yourlife
Jul. 12th, 2009
03:35 pm - Its me again!
I once again accidentally routed to this page, hehehe, buhay nga naman hindi mo akalain ang posible. parang smart lang,
kwento ko lang kagabi, pumunta kami with phil, jonster and oyo sa timog, gimik kami, uminom sa centro de republica then decided to go to Metallica, tangna astig, grabeh bitin nga lang, walang turuang nangyari w/c i was expected na meron, hehehehe, planned to participate sana, hehehehe.
Feb. 14th, 2009
12:15 am
OMG! its been a long time since iv visited this very site. feb 14 pa hehehe. buti na lang i havent forgotten
my password. andami ng nangyari sa buhay ko, from lost of d one i love but now d one i hated most. THOUGH, till now mahal ko pa rin sya. ang gulo anoh...fuck...pero ano pa nga ba magagawa mo kung mismong tadhana na ang naghihiwalay...tried my best everything and halos wala na akong tinira sa sarili ko pero nothing happened. shit!!! pero ganun talaga siguro, wala na. tapos na ang pahina ng historya namin...auko na rin dayain sarili ko...ubos na ang na rin pasensya ko. shit sya.
... tagal ko rin bago nakapag moved on. almost 3yrs...kung hindi pa dumating ung mahal ko ngayon siguro tuluyan nkong baliw sa kamunduhan. fuck...sana lang this is it...mahal ko nga ba sya??? well, its still early...sige balik na lng ulit ako. naka-smart bro prepaid lang ako...maububos na load ko.
Nov. 27th, 2006
Sep. 27th, 2006
09:20 pm - sobrang belated bday message to myself
naks ng weteng oh dumaan na ung bday ko na nde man lang ulet ako nakapagpost dito...
ang gulo ng life ko kung alam nyo lang...sobrang parang wala na talagang direksyon...well, that's all my fault and if there's some1 to be blamed...leche cila...puck....
anyways, dumaan ung bday ko na parang wala lang...hayun nagkulong ako sa boarding house ko...depressed ako during that time...
iniisip ko lagi ung baby ko na nadadamay sa kagaguhan ko...tang inang life ko to..shitttttt
namimis ko na nga baby ko eh...bakit ganun ang life minsan ang hirap ng intindihin...prang sobrang hirap talagang mabuhay...
sana mapatawad ako ng anak ko sa mga bagay na maling mga ginawa ko...
Anak MAHAL NA MAHAL KITA HA...INGAT KA LAGI AND PAGLAKI MO BE A GOOD BOY HA...I LOVE U
Aug. 14th, 2006
09:36 pm - Bad day!!!
I got injured...bad trip talaga, akala ko katapusan ko na... nadislocate spinal chord ko...pahirap tuloy nde ako makagalaw at losing hope na talaga...thank god im quite okay na now...
Aug. 12th, 2006
09:22 pm
heto n nmn ako...naliligaw n nmang ng landas...sa mga nakalipas na buwan at araw maraming mga nangyari sa akin...pagbabago sa nakaraan ang pilit kong isinasabuhay subalit hindi ko rin maintindihan kung bakit tila ata pilit na nawawala ako sa linya ng aking mga naisin. malabo ang buhay ko sa mga nakalipas na araw...maraming mga masasakit na karanasan at ang aking isipan ay tila unti unting pinapako. mahirap talaga makipaglaban sa buhay subalit wla akong magagawa...sana man lang gumising ako na lahat ng hangarin ko sa buhay aking maabot at maranasan man lng. sana. sana sana nga...
Oct. 15th, 2005
11:33 pm - just drop by...
heto, gising pa rin ako...marami rin nangyari...half day sa work...went to mall dahil sale sa RP. un nga lang wala naman akong nakitang maganda...buhay talaga!!! minsan nakakapagod talaga ang routine ng buhay...paulit ulit...nakakabagot...kung pwede nga lang maatulog at kumain na lang lagi ako...pero, dehins pwede eh...bahala na sabi nga sa kanta "patuloy ang agos ng buhay" meron din saying na "if u stop dreaming life ends!" tama diba? so matutulog lang ako ng matutulog walang mangyayari parang nothing...hehheh...am i making sense here...bahala na. gusto ko lng magtype ng magtype kung ano ung nasa isip ko...hay buhay! o sige till here na lang muna...bye!!!
Oct. 5th, 2005
04:57 pm - Welcum Bak Thino!!!
wow, its been a long long time since i checked and visited this site. andami na ngang nangrayi eh! ang bilis din talaga ng panahon...kakatuwa nga lang kasi minsan hindi ko napapansin ang paglipas ng oras. prang andami nang nangyari...good and bad! leche nga eh, nung june lng putang ina, naghiwalay kami nung mahal ko. leche kasi yung isang tao na yun na naging dahilan ng paghihiwalay namin. bsta andami ng nangyari sa amin...as in andami-dami na...sana lang nga maituwid ko lahat ng mga bagay at mali na dapat hindi ko ginawa. kakainis...heto uuwi na namn ako sa boarding house...susunduin ko gf ko sa jolibee...pasaway kasi lumayas sa apartment nya. ewan ko ba eh sya nman nagbabayad dun...pasaway din kasi mga kapatid non..cge, bukas ulit ha...ingat na lang!
Jan. 31st, 2005
11:56 pm
This is the last day of January...Heto nga't while I'm writing this, almost 2 minutes na lang at Feb na. watalife talaga, ang bilis ng oras at panahon. Parang kelan lang at nagsusunog ako ng kilay sa pag-aaral, gumigising ng maaga para mag insayo, and many other things na parang kelan lang ay nangyari. Well, sabi nga nila, time is gold which means every moment in our life should be considered important because we can't go back to the past.
Pero ako heto, feeling ko my life is like just ordinary. I had lots of flaws in life. Come what may or do what makes me happy and satisfied. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. Pero, I'm very thankful because I know God is always there for me to remind me.
Siguro kung isang natural na magulang lamang ang Diyos baka nasigawan na ako at nadagukan, kasi ba naman yun at yun na lang lagi ang hinihingi ko ng tawad sa kanya. Kasalanan na paulit ulit kong ginagawa. Minsan nga tuloy parang nahihiya na akong lumapit sa kanya pero dahil alam kong ang kahit sa kabila ng mga ginawa ko andyan pa rin sya at handa akong patawarin...Sa ngayon nga hindi ko alam kung kelan ako matututo. Lord help me pls...
Heto, about work naman tayo...Medyo lowbat ako kanina...Inaantok ako at pagod na pagod ako. Mga 8 pa lang I woke na kasi cut off namin at kelangan pa-check ng dtr para hindi na ako pmunta sa ortigas. dala na akong magdala ng dtr ko dun. kakapagod! So, un I went to ofc pra ayusin ung dtr ko at naayos ko naman.
Medyo asar kanina sa kc some of my ofcmate are back stubbers. Anyways, ganun siguro sila. Sabagay ganon din naman ako eh...Bsta asar ako dun lalo na dun sa isang kasama ko. Well, sabi nga ni God, mahalin natin ang kapwa natin.
Syanga pla kwento ko lang. Nung friday nga pala, another moment in my life na kakaiba na naman. waz up waz up...
Sige, antok na ako...Bye nite...
Jan. 30th, 2005
01:44 am - Luneta w/ my friend...
We went to luneta and we took picture of ourselves. From Chinese Garden to Rizal Monument down to map of the philippines. We mingled with people who were debating about the bible and some other ppl naman about doing some chess puzzle and dama. But what we'd strike us most is when we saw and observed different kind of ppl in all walks of life. May mga magkakaibigan na nagpipicnic, may mga magsyota na maaaring doon bumubuo ng kanilang mga pangarap. Masasabi kong lahat na ng klase ng tao ay matatagpuan sa Luneta. May mahirap, mayaman, baliw, matalino, nasobrahan sa talino, scholar, pastor, pastora, bading, prostitute, magnanakaw, holdaper, at marami pang iba.
Sa lugar na ito nararamdaman ko na mapalad pala ako dahil nararanasan kong kumain tatlong beses sa isang araw, may tirahan at natutulugan, may magandang damit and many to mention. Pero karamihan ng mga taong nakita namin sa luneta na kung saan itinuring na nga siguro nilang tahanan ang lugar na ito ay masasabing mga taong biktima...biktima ng kahirapan na kung saan tila ata ang mga taong ito ay hindi na inalintana ang pananakit ng kanilang sikmura sa twing sila'y nagugutom. Mga sakit na maaaring unti-unting kumitil sa kanilang buhay. Kung tayo ang hinihigaan natin ay kama sila nama'y sako na inilapag lamang sa damuhan at ni unan ay salat sila. Hindi ko lubos maisip ang lamig na maaaring maging sanhi ng kanilang karamdaman. At lubos na nakakaawa ay ang kanilang mga anak na sa murang edad ay naging biktima at nakaranas ng ganong sitwasyon.
Doon muling pumasok sa aking isip ang katanungang bakit hindi na lang pantay-pantay. Lahat dapat may bahay na matutulugan, pagkain, damit, kumot etc. Bakit ganon???? Sana naman naisip heto ng mga taong mayayaman na walang inisip kundi ang magpayaman. Sino nga ba ang dapat sisihin? Pero sa kabilang banda, nasabi ko sa sarili ko " di'bale, wag kayong mag alala dahil alam kong sa langit hindi ganito ang sistema. ALam ko rin na ang mga taong ito ay HINDI pababayaan ng Diyos at ni Kristo na ating tagapagligtas...
Isang karanasang muling nagbigay ng aral sa aking buhay.
Gud nite...
Jan. 28th, 2005
11:39 pm
so far, medyo wala namang gaanong kakaibang nangyari. pagod lang sa trabaho at medyo badtrip ng konti...
nite..
01:49 am
tuesday @@@
heto na naman...napasubo sa dibdiban na work...grabeh, pagod na pagod ako...wala kasi ung mga regular ofcmates. nag work shop planning...medyo pagod talaga ako...wala ganun talaga un..anyways, un tlaga ang work place kelangan maging matatag...magrevicon ika nga nila. hehehe
so far, medyo wala naman kakaibang nangyari...mga plano namin ni Sam granted...
Yun lang..heheh nite
Jan. 27th, 2005
12:48 am
It's a sunny day wednesday! Another day that God once again gave me a chance to explore life.
Medyo busy sa work kasi wala yung mga regular na officemates ko dahil they have their Planning Workshop somewhere in Tagaytay. Sayang nga eh dahil hindi kami kasama dun. Bakit naman kasi kahit saan laging may descrimination. I think its not gud reason that we exluded from that Planning bcoz we only casual. As if we dont have idea about planning???? But anyways, ganun sguro tlg un...
Back to work...un super busy at talagang I'm tired kasi akyat panaog ako ng 6 and 7th floor. leche naman kasi...
plus bad trip pa kasi un nangayari sa akin nadenggoy ako...leche naman oh...gawin daw ba akong tanga... konsensya nya yun..
yun medyo ok na rin kasi I scanned my pics...plus saving files. etccc..
ALmost past 11pm na ako umuwi ksi naman ehhh...
Yun lang...nite na!!!
Jan. 23rd, 2005
10:48 pm
Sunday - I woke up almost 11am na. As usual, heto na naman ako nakatunganga. I dont know where to start my day. Push up muna ng konti para magising. Then the usual thing na bubuksan yung tv while doing something. Then I packed all things na dadalhin ko amin kc I went home sa Antipolo. Yun mga plastic na lalagyan ng food iuuwi ko sa mother ko. I left Manila mga 1:30 na. Grabe, ntgal ko tlga kumilos. ANd yun nagpasya ako na magdala ng pangtraining kc I planned na from Antipolo dediretso ako sa Marikina Sports Complex pra magtraining. Ang bilis kong nakarating sa amin siguro mga 1 hour lng yung travel ko. I brought 1 big piece of Mamon. Pasalubong baga. Bumaba ako ng Cristimar at nilakad ko na pauwi sa amin. Dun may mga nadaanan akong mga tambay. But of course I prepared myself sa mga ganung situation kc I know those kind of people is minsan nagtitrip bka mapagtripan ako so tignan ko lang kung kayanin nila ang power ko. Blue belt ata to...hehehe! Along the way, nadaanan ko rin yung pinsan ko na nagpapaliga ng basketbol. Konting tanong then batsi na ako pauwi sa amin.
To summarize: Kawawa naman si Brian, my pamangkin nakagat ng aso. Tang ina kasi yung kapitbahy namin. ALam nya na plang ulol na yung aso nya pinakawalan pa. tang ina nya oh. Yun dinala ng ate ko sa San Lazaro.
I ate my pasalubong together with my mother and my pamangkin. Salu-salo together. Mga 4 umalis na ako sa bahay. Dumaan ako sa ate ko para kamustahin si Brian. Yun ang payat ng pamangkin ko. Nakakaawa nga eh. Batang bata pa naman yun. Nagpaalam na ako sa ate ko at dumaan muna ako sa kapatid kong bunso para ipaalam sa kanya na hinihiramin ko yung mga VCD nya. Nakuw, yun nag iinom ang bunso namin. Nagpaalam na ako at paluwas na ako ng masalubong ko naman yung ex-team mate ko nung elementary. Yun konting kamustahan then nagpaalam na rin ako. Sakay ng trycle going palengke. From palengke naglakad ako papuntang simbahan para drop by kay sir Jess. Sa simbahan, may humawak sa bewang ko...Hindi ko pinansin, pero nagulat ako ng makita ko na si Oliver pala yun. He's my very close friend. Kasama ko sya sa trabaho dati as Pin BOy sa Mia Mall. Marami na rin kaming pinagsamahan ng taong to. Grabeh, sya yung inuutungan ko dati as in sobrang bait ng taong to. Sya yung tipo ng tao na inaapi ng ibang tao. Kung ituring ay parang isang basahan. Pero medyo nahabag ako ng makita ko sya kasi ibang iba yung hitsura nya. As in he looked very depressed kc sa hitsura nya pero that day pala is his 26th birthday. Yun after I prayed, niyaya ko syang i-treat sa JOlibee. Kwentuhan then konting reminisce nung kabataan namin. Hindi pa rin sya nagbago, sya pa rin yung taong dreamer. Andun pa rin yung pangarap nyang mag showbiz. He has a solid hope na balang araw magtatagumpay din sya. I pray for him! I know God is always in his side naman. I know how kindest Oliver is. So yun, after the bidahan papunta na ako ng Marikina for training.
Excited ako kasi now na lang ulit ako naka-tapak sa lugar na yun. Yung oval na kung saan parte ng aking tagumpay sa buhay. Ang sports complex na naghinang ng aking talento sa pagtakbo. KUng sino ako at nasaan ako ngayon ay isa ang sports complex na ito ang dahilan. Thanks to you MARIKINA SPORTS COMPLEX!
I saw my ex-straa team mate na si PEkto. He shifted into fencing na pala. Ganun pa rin sya maporma at chikboy! hehehe.
Stretching then jogging ng 3 rounds then stretching ulit. Tapos drills then jogging ulit ng 5 rounds. Then push-up & sit up.
Then, after the work out, pauwi na ako ng Manila tapos sa
Jan. 20th, 2005
11:31 pm
tODAY??? Uuhhhmmm....i woke up 9am...infairness maaga sya...hehehe. sisiputin ko na kasi ung nagpapatulong sa program nila. kakahiya naman kay Raph eh. kung hindi ko lang sya team mate dati nde ko tutulungan to. nwei, so yun kita kami sa airport...then with his thesism8, we went to Legaspi Tower just for me to see the existing program. how it works kumbaga...yun nga, it seems simple kasi walang gaanong transaction. pero heto nga me ginagawa ko na sya...actually, sa ofc pa lang mdyo inaanalyze ko na ung program...uuhhhmmmmm... leche, mukhang dadaan na naman ako sa matinding pagsubok...masusubukan na naman ang aking SIMPLENG LOHIKA. HEHEHE
Anyways, yung nga pala...at last may sweldo na kami...Sam and I were excited habang papunta kami sa ATM kc baka wala pa rin...Pagpasok ko ng PIN ng ATM ko pinintahan ko pa kung meron... I cover the monitor with my hand pra suspense.jejeje...un meron nga...3k ang akin. 4k kay Sam. May utang sya sa aking 100 kaya sya na rin ung nagbayad sa kinain ko...sya pla ang kainan namin sa dati...medyo simple lang ung carenderia...suki na rin kami dun...lagi naming pinapanood ung Slam Dunk..hehehe. Sam isip bata kasi...
Before nga pala to... medyo bad trip ako kasi we have department na very demanding sa service namin. sabi ng hintayin yung kasama ko dahil may meeting aba, paulit ulit na tumatawag. leche...yun tuloy, naparinggan ko...magsumbong sya..bahala sya sa life nya...
o cge, i need to do the program na saka magpupush-up pa ako. Nite
Jan. 19th, 2005
12:58 am
Kakaibang araw kasi 19. Time to celebrate another day...hehehe.
Nung morning tinamad na naman akong gumising...lagi na lang...kelan kya ako hindi na tutunganga pagkagising sa umaga..Wat ta life!
Work....nakuw, a little bit tired, medyo nde ako satisfied sa performance ko. I wasnt able to perform well. BEtter lucks next time.
Lovelife...hehehe masayang sad...secret!
Dreams... Ansarap mag day dreamssss.
Nite...
Jan. 18th, 2005
12:07 am
Nakuw, medyo masama araw na to kasi late na akong nagising eh may usapan kami nung ex team mate ko na magkita sa airport pra ipakita yung process ng ipapagawa nilang program. Ano ba to? Kakahiya tuloy sa kanila. So siguro the next baka iaproach na lang nila ako. Or they will find someone na lang siguro. ITs their decision...hehehe. Medyo ayoko rin naman talaga nahihiya nga lang akong tumanggi kasi ako yung tipo ng taong nahihirapan mag hindi kahit ayaw ko. leche talga...that's call weaknessesess! hehehe!
Btw, about work naman..heto still in the process of adjustment. pero siguro ganun tlaga un ika nga ni Richard ganun daw sya dati.
Sana matuloy yung plan ko na magpart time coach...well I pray for this and of course work for it na rin..Nite...
Jan. 17th, 2005
11:34 pm
It's Monday! As usual, back to work na naman. I woke up early in the morning, about 7:30 kasi I went to Ortigas para magpasa ng Time Card, last friday kasi my bisor forgot to sign it kaya hirap na naman sa akin. Hehehe, yung ganitong oras maaga pa sa kin yan kc ang oras ng gising ko tlga is 11:00am 1 1/2 hour before my work. ANyways, yun LRT MRT na naman ako pra madali. In this day wala namang kakaibang nangyari sa akin. Gud Nyt..
Jan. 2nd, 2005
12:57 am - Bad Trip Day
Kakainis yung day na'to. I lost my phone. Bad trip talaga. Malas nung nagnakaw dahil nde nya rin magagamit dahil I went to NTC to block it. Sana maging masaya sya...Leche sila!
Dec. 19th, 2004
11:06 pm - FFL Xmas Party
Xmas party ng ffl dec 18. im very happy and once again i considered this as one of my happiest moment in my life. ang saya ng mga games and i enjoyed a lot. though there's a conflict exists between... pero, natakpan na rin ng umaapaw na kasiyahan na naghari ng gabing ito. ang saya-saya talaga. to my ffl friends, keep it up!
dec 19
i went home kasi binyag ng pamangkin ko. almost hrs lang tulog ko. kahit inaantok antok pa me, still, nagcomute ako from RW to Antipolo. blessings in this guise kasi medyo mabilis ung travel ko, almost 1 1/2 hrs lang. I went straight to the church na kasi akala ko I was late na pero too early pa pala, i texted my ate kung they were in the church na pero 11:15 pa pala. i entered inside the church and sermon ng pari ang naabutan ko. tagalog yung misa, hindi ko na rin tinapos yung misa, kasi i leave the church while the communion is taking place. dumeritso na me sa house ng ate ko at busy sila sa pagprepare ng food. my pamangkin is crying so kinarga ko sya at pinatahan. nagpicture picture muna kami using my camera. actually, kaya naman me umuwi kasi dahil ako talaga ung photographer.
medyo, nagkakagalit pa ung ate ko kasi malalate na sila sa binya at hindi pa nakakapagregister.
anyways, rewind muna pala. pagdating ko sa bahay ng ate ko, yung father ko ang una kong nakita dun at nagmano ako as sign of respect at ganun talaga kami sa pamilya, ang pagmamano is still adopting by our family. well, yun nga medyo lasing na father ko kya nagkkwento na sya...
i love my father very much and now me lang narerealize yan kasi he's quite old na kasi.
papunta na kami sa church, niyaya ko father ko na sumama kasi plano ko sana na dumalaw sya ng simbahan kasi mdyo matagal nya nang hindi nadadalaw si Sir Jess. Kaso, lasing na sya at hindi pa nkabihis though while we are going to sakayan, sumabay na ung father ko pauwi sa amin kasi sinabihan sya ng sister k na hintayin nya lang kami sa bahay. in this moment, i saw in the eyes of my father the desire to go and to be with us sa binyagan pero un nga lasing at hindi pa sya naka-get up so we left him na lang sa daan.
to be continued...
Navigate: (Previous 20 Entries)
